When I die soon please take care of my husband. If I die anytime soon, within a couple of years, my husband will lose it. So, please, when I die, take care of him. At least, before I get buried, during my funeral, before my funeral, while he's waiting for the hospital to discharge me from the morgue. I need you to be there to support him a few minutes after I die. Don't worry, you'll know, itetext ko kayo. Pwede kayo ang maging event coordinator ng funeral, burial, and after funeral party ko? Di talga kakayanin ng asawa ko. I'm sure hinde pa sya handa at hinde ko ine-expect na magcacanvass sya ng presyo at design ng ataul, rates ng lupa sa mga memorial, at iba't ibang flower arrangements habang humahagulgul at bumubuhos ang uhog nya. Please, alalayan nyo sya.
Pagnamatay ako in the middle of a shoot-out or crossfire between criminals and policemen, bantayan nyo asawa ko. Pigilan nyo sya. Sabi nya, pag yun daw ang ikamatay ko, sasali sya sa sparrow unit ng NPA. Pakiconvince sya na magiging kawawa ang mga anak namin. Pag di nyo sya napigilan, pakialagaan na lang ang mga anak ko.
Anyway, dahil nga kayo na ang magiging funeral planners ko, pakirelay na lang ang mga requests na ito sa asawa ko:
1. Kung hinde naman magiging mahal masyado ang cost, gusto ko magpacremate. Please make absolutely sure na hinde na ako humihinga bago nyo ako sunugin.
2. Kung hinde ma-afford ng nagngangawa kong asawa ang ipacremate ako, don't open my casket. Close casket please. I don't want people to remember me dead. Pagawa lang kayo ng malaking tarp (3x5) ng solo picture ko tapos ipaskil nyo sa taas ng kabaong ko. Utang na loob, pumili naman kayo ng picture ko na maayos. Kung wala talaga, ipa-edit nyo ng konte. Pero wag nyo ipa-alis ang eyebags ko. Mawawala ang identity ko (wahehehe!)
3. Gusto ko 4 days ang lamay.
4. Ayoko ng mga korona ng bulaklak. Hinde ko man maamoy ang masangsang na amoy ng nabubulok na mga mamahaling bulaklak na bigay ng mga kaibigan, ayokong maalala ng mga bibisita ang pagkamatay ko in relation with the "smell of death".
Pakisabi na lang sa nagmamagandang loob na cash na lang ibigay nila. So, kapag naginform kayo sa mga kakilala ko na patay ako, pakisingit na rin na WAG NA WAG SILANG MAGBIGAY OR MAGPADALA NG MGA BULAKLAK NA KORONA. Pwede rin pagkain na lang (na sila rin naman ang kakain). O kaya balloons. Para magmukhang birthday party ang lamay.
...to be continued...
Thursday, December 11, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment